Philippine Assemblies of God
Menu
Bridging the youth through shared experiences with our God.
I felt God to the fullest of my life at the moment I fully surrendered my everything unto Him.
There was a time na hinang-hina na ako and no one could help me. I searched for myself in the world but the world could not define who I really am. Naghanap ako ng mga taong tutulong sa’kin para mahanap ko ang sarili ko at kung saan ba talaga ako belong. Sabi kasi ‘di ba, “Society dictates the morals a person needs to follow to be considered part of society.” Sa madaling salita, ang lipunan ang nagdidikta ng moral na kailangang sundin ng isang tao upang ituring na kaparte o kabahagi siya ng isang lipunan. Yes, society can mold you to be educated and help you to be rational but lagi kong naiisip na sa haba-haba ng lakbayin ko sa mundo, bakit may kulang pa rin?
I talked to God by praying. I said, “Lord, bakit ang hirap hanapin ng sarili ko? Madami na kong napagdaanang problema na nabigyang sulusyon ko na. Bakit ang sarili ko hindi ko maayos-ayos? And at that moment umiyak ako bigla and I don’t know kung bakit.
At that moment, I released everything to God. Ang daming pinarealize sa’kin ng Lord like, did I really give everything to God? Did I fully trust God? And do I really know Him by His power and greatness? Laking sampal at dagok sa’kin ‘yon because the truth is sarili ko lang naman sinusunod ko. Kung may problema, sosolusyunan ko ‘yan agad-agad kahit na hindi ko problema. I will find a way to solve that problem kasi ako yung tao na chill chill lang sa buhay. I want to be free from stress but nagkamali ako. Yes, nasosolusyunan ko sya mag-isa at akala ko I solved it already, but it’s a BIG NO NO!
God leads my way to Him to be more passionate. Natuwa ako dahil totoo talaga na everything has a purpose, and yung purpose ko sa mundo ay pinakita ng Lord. Pinakita Niya na ako’y isang tagapaglingkod niya and I’m so happy because I found myself. I’m blessed for my purpose of why I’m living in this world.
Without God, everything is nothing and God gave everything to help us in our everyday life, to comfort us when we are lonely, to provide our needs, to heal us from sickness, to unleash us from our sins, and to give us eternal life by dying on the cross. ❤