pag-nyd-living-testimonies

Living Testimonies

Bridging the youth through shared experiences with our God.

ammi_ramos_living_testimonies

For all my shortcomings, for being unfaithful and for having unforgivable sins, still, God shows His love and mercy and gives me so much blessings that I don’t deserve. Truly, He is a compassionate God.

Ako si Ammi Grace Ramos. Kilala ako bilang “Ate Ammi” sa church, at “Ms. Ammi” o “Teacher Ammi” naman sa school. Yes, isa akong Licensed Professional Teacher at sa biyaya ng Diyos, ipinasa Niya ako sa board exam. (Ibang life testimony naman yung journey ko about dun, hehe!)

Hindi ko nga alam kung bakit “Oo” na agad ang naging sagot ko nung tinanong ako ng NYD kung pwede bang i-feature ang aking life testimony. Nung una kinabahan ako pero dito ko nakita na dapat kong ipahayag ang kabutihan at kadakilaan ng Panginoon sa buhay ko.

Ang mindset ko talaga ay to be strong at all times. May mga bagay na gusto kong sarilinin. Ayokong magkaroon or madagdagan pa ng burden ang ibang tao. Kaya minsan, nararamdaman ko ang bigat ng aking mga problema to the point na hindi na ako nakakapagbasa ng Bible regularly. I am not spiritually healthy. Feeling ko, ako na lang ang lumalaban sa problema. Sarili kong lakas ang nauubos at unti-unting nawawala yung peace at joy sa puso ko.

I believe that God uses situations and people to lend us help during our darkest moments. Naaalala ko nun, sa lahat ng “feeling exhausted” moments ko, God used my father. During a Sunday service, He used his preaching bilang kalakasan ko sa down times ko. Yung sapul talaga kada sermon!

Mahirap kapag malayo ka sa presensiya ng Diyos. Kaya nga, by the grace of God, simula nung tinanggap ko Siya bilang aking Lord and Savior, tinuturuan at binabago Niya ako.

Maraming reminders ang Panginoon through His words. Ang mga Salita Niya ang naging reminder sa akin kung paano i-handle ang ibang bagay sa mundong ito. Let me share some of those.

Psalm 104:1 “O Lord my God, you are very great; you are clothed with splendor and majesty.” Our God deserves all the praises and honor! Yun ang purpose natin kung bakit tayo nabubuhay, ang sambahin at dakilain ang Panginoon. Kaya habang may lakas at buhay pa tayo, we should worship God. Huwag lamang umattend tuwing Sunday. Magbasa ng Kanyang Salita. Alalahanin ang tithes and offering.

Romans 11:36 “For from Him and through Him and for Him are all things.” God is the source of all blessings. Sabi nga sa nabasa ko, “Learn to cultivate your heart that acknowledges all the joys you experience each day.” Lahat ng mabubuting bagay ay mula sa Diyos! Being grateful is simply an awareness of the blessings God has given us. Ipinagpapasalamat ko sa Diyos na lagi Niyang ipinadarama sa aming pamilya ang pagmamahal Niya at patuloy na bumubuhos ang pagpapala Niya sa amin. Kailanma’y hindi Siya nagkulang.

2 Peter 1: 4 “He has given us his very great and precious promises, so that through them you may participate in the divine nature.” God is true to His promises. Magtiwala tayo sa Kaniyang pangako sa ating buhay. In my life, marami akong hindi naiintindihan sa plano Niya, pero God knows my life so well. He is faithful and consistent to His words!

Psalm 121:2 “My help comes from the Lord, the Maker of heaven and earth.” If we feel alone, forsaken, or confused, we could read Psalm 121. This will fill our soul with faith and courage. Remember that we are not alone in our battle. We shouldn’t try to do life on our own. Yun ang isa kong natutunan, na hindi ako nag-iisa sa bawat hamon ng buhay. Minsan gusto nating sarilinin pero in the end, lalapit at lalapit pa rin tayo sa Kaniya. Kailanman, hindi Niya tayo pababayaan.

Marami pa akong bagay na gustong ipagpasalamat. Pero sa lahat, pinakanagpapasalamat ako sa pag-ibig Niya. Eternal love. Marami akong pagkukulang bilang anak Niya pero lagi Niya akong pinagpapala. Naiiyak ako dahil hindi ko deserve ang mga iyon. Maraming beses dumating sa buhay ko yung unexpected blessings na higit sa inaaasahan ko.

Sa lahat ng ito, ang Salita ng Diyos ang sandigan natin sa ating buhay. Sa Kaniya lamang tayo umasa at Siya rin lamang ang makakapagbago sa atin. At kailanma’y hindi kalugihan ang maglingkod sa ating Panginoon. Hindi sayang ang ilaan ang oras sa ating Diyos na dakila. Kung sino man ang makababasa nito, nawa’y maging paalala at kalakasan ito sa’yo. Blessings sa lahat!

Ammi Grace L. Ramos

District 2 NYD Coordinator
Facebook
Twitter
LinkedIn
Tumblr
Pinterest
Reddit