Philippine Assemblies of God
Menu
Bridging the youth through shared experiences with our God.
Kailan ko pinaka naramdaman ang Lord sa Buhay ko?
Six years ago, November 30, 2013 to be exact, was the day that a young boy at the age of 13, accepted Jesus in his life as his Lord and Savior.
Looking back, sobra ang pagkaka-alipin niya sa kasalanan.He even blamed God sa mga pangit na nangyayari sa buhay niya. Failures, disappointments and imperfections – lahat iyon ay isinisi niya sa Lord. Noon, iniisip niya na ayaw siyang maging maligaya ng Diyos, and that’s why sobrang layo ng loob niya sa Panginoon.
Then, the day came when God brought breakthrough in the life of this young man. The day when he, who is in steeped deep in sins, disappointments, failures and imperfections, encountered God’s love and compassion.
God restored him and He transformed him. God spoke to that young man, and He said He will make him a great leader someday in Jesus name!
Ang batang iyon ay ako – ang pangako ng Panginoon ay nananatiling buhay sa puso ko. Onti-onting niyang binabago ang aking buhay at ang aking pamilya. Tinawag niya ako upang maglingkod, upang gamitin sa kanyang ministeryo. Ngayon, patuloy na itinataas ng Panginoon ang buhay ko.
Sa Diyos ang papuri!